Posted by: vic

Ibang mundo na nga ba yung kinagagalawan ko? o hamon lang ito na dapat kung harapin.?
Kagaya ng dati , gusto ko makawala sa makamundo kong sarili .
Gusto ko maipakita sa lahat kung anong meron ako, kung anung pwede kong gawin. ngunit sadyang pinangungunahan lang talaga ako ng takot na sumubok, natatakot na baka mamaya ay magkamali at masakatan. Sa unti unting pagtuklas sa sarili ko, di ko maiwasang bumagsak at umiyak. Masakit pala!
Sa pagtahak ko sa daang di ko pa nadadaanan, minsan naliligaw din ako, di ko malaman kung saan ba talaga yung tamang daan.
Di ko alam kung saan ba talaga ako patutungo?
Sumuko na din ako na parang gusto ko na lang ng ganito na lang ako, mag isa , batang invisible.! Pero kung hihinto ako, pano ako magggrow?
Pano ko malalaman yong talagang direksyon ng buhay ko? Pano ko malalaman yung worth ko?Kaya ngayon patuloy pa din ako lumalaban, patuloy na nagmamasid at tumutuklas ng mga bagy na makakapagbigay ng direksyon ng meaning ng buhay ko.Narealize ko na sa pagtahak mo sa daang patungo sa diyos mo at sa sarili mo, di mawawala yung madadapa ka, mauuhaw, mawawala sa tamang daan.
Ngunit sa patuloy na di pagsuko,
pagtayo, at pagsubok sa mga daang matitinik at mababanging bahagi ng buhay,
doon mo makikita na yung gusto mong malaman at madiskubre ay nakuha mo na. Sa simpleng pagtayo at di pagsuko sa mga pagsubok ay isa ng senyales na malakas ka at di ka nagiisa, may worth ka at di ka talunan.
Mapapatunayan yan ng mga taong patuloy na sumusuporta sayo at umaalalay.
Sa pagsubok ng buhay di ka mag iisa basta ang diyos ang iyong kasama...........
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteingats always goD bLesS
ReplyDeleteaw god bless arvic:D
ReplyDelete